Abu Sayyaf kidnapper, 2 kasamahan, sumuko sa Sulu

Sumuko sa mga tropa ng 6th Special Forces Battalion ng Joint Task Force Sulu ang isang Abu Sayyaf kidnapper at dalawa pang miyembro ng ASG.

Kinilala ni 6th Special Forces Battalion Commander Lt. Col. Rafael Caido ang sumukong kidnapper na si alyas “Dexter” na tubong Patikul, Sulu.

Si “Dexter” ay sangkot sa pagdukot ng mga Indonesian seafarers na sakay ng isang fishing boat sa karagatan ng Malaysia noong Enero 16, 2020.

Magugunitang noong Enero 18, nagsagawa ng joint operation ang 3rd Light Reaction Company, 4th Special Forces Company at units ng Navy, at Air Force sa Sulare Island, Parang, Sulu, kung saan napatay ang ilan sa mga ASG members na kasama ni Dexter sa naturang kidnapping.

Inamin ni Dexter na kasama siya sa grupo ng mga kidnapper pero, hindi umano niya alam noong panahon na iyon na magsasagawa sila ng kidnapping.

Samantala, ang dalawa pang ASG members na sumuko ay kinilalang sina Albasir Salim alyas Abu Sadad na miyembro bg grupo ng napatay na ASG Sub-leader Sibih Pisih; at Edwin alyas Splakang Panduga Abdulmain na miyembro naman ng grupo ni ASG Sub-leader Ekoh Udjaman.

Kasamang isinuko ng tatlong ang kanilang mga armas na kinabibilangan ng isang M1 Carbine, isang G1 battle rifle, at isang M1 Garand Rifle.

Photos courtesy of JTF Sulu

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.