Abu Sayyaf leader Anduljihad Susukan, sumuko kay Nur Misuari, nasa kustodiya na ng pulisya

Hawak na ng Philippine National Police si Abu Sayyaf leader Anduljihad “Edang” Susukan.

Ito ang kinumpirma ni PNP chief Police General Archie Francisco Gamboa makaraang isuko ni Moro National Liberation Front (MNLF) Founding Chairman Nur Misuari sa kanyang tahanan sa Yñigue Subdivision Maa, Davao City.

Nagpasalamat din si Gamboa kay Misuari para sa pagsuko ni Susukan kay Davao City director Police Colonel Kirby John Kraft.

Dinala sa Davao City ang lider ng Abu Sayyaf para sa atensyon medikal.

Bago nito, sinabi ng Chief PNP na nakipag-ugnayan sila kay Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio kung saan tiniyak nito ang pakikipagtulungan para sa mapayapa at ligtas na pagsuko ni Susukan sa awtoridad.

Si Susukan ay may 34 na warrant of arrest kabilang ang 23 na kasong murder, 5 para sa kidnapping at serious illegal detention at 6 para sa frustrated murder.

Sasailalim si Susukan sa medical check-up sa Camp Quintin Merecido Hospital bago ilipat sa Armed Forces of the Philippines sa Camp Aguinaldo.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.