ACT-CIS Rep. Yap, itinangging inareglo ang kaso ng isang District Engineer sa Ifugao

Dumipensa si ACT-CIS Representative Eric Yap sa pagkakasangkot umano niya sa katiwalian, partikular sa pakikialam sa bidding ng mga proyekto ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa Benguet, at ang pag-areglo sa kaso ni Ifugao District Engineer Lorna Ricardo sa Ombudsman, batay sa report na isinumite ng Presidential Anti-Corruption Commission (PACC).

Malinaw aniya sa sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte kamakailan, na walang malakas na ebidensya at wala namang kasong naisasampa laban sa mga pinangalanang mambabatas.

Katwiran nito, January 27, 2020, nang siya ay gawing caretaker sa Benguet kung saan tapos na ang mga bidding sa proyekto para sa 2020.

Tumawag lamang din aniya siya kay PACC Commissioner Greco Belgica noon, para kumpirmahin kung talagang may kaso si Ricardo at hindi para aregluhin ito.

“Sana ginawa niyo po ang inyong trabaho. Tinawagan mo siya, ang Ombudsman, kung nilalakad ko ba ang kaso ni Lorna Ricardo. Pangalawan, tumawag ka ba sa DPWH upang alamin, kung inindorso ko ba si Lorna Ricardo upang maging District Engineer ng Benguet o ng ibang probinsya? So Bilang PACC you should be responsible. Alam niyo sir, yun ganiyan kasi na mag, pangalanan mo lang, e hindi para sa akin ay hindi po investigation yan. Ang ginagawa niyo po, nagwi-witch hunt po kayo.” Pahayag ni Yap.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.