ACTUAL VIDEO NI CONG JOHN BERTIZ INILABAS NA NG OTS SA GINAWANG PAG-ASTA SA OTS PERSONNEL SA NAIA!

3ots

Ayon kay Usec. Arturo Evangelista (DOTR-OTS)  Ang violation na nagawa ni Cong John Benitez ay ang article 151 of the revise penal code disobedience the order of agent personnel authority while on duty.

READ: VIRAL NGAYON REP JOHN BERTIZ III UMASTANG VIP AT NAG-ANGAS SA ISANG NAIA SECURITY PERSONNEL!

Panoorin ang Press Briefing ni DOTR-OTS Usec. Arturo Evangelista

Ayon sa DOTr, nangangalap na sila ng karagdagang ebidensiya at agad nila itong pag-aaralan.

Titignan dito ng DOTr kung may nalabag bang batas o protocol ang mambabatas.

Magugunitang nag-viral ang kuha ng CCTV (closed-circuit television) footage kung saan hindi naghubad ng sapatos ang mambabatas kaya ito sinita ng security personnel ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 2.

 

bertiz

“Unang-una humihingi po ako ng paumanhin sa publiko lalung-lalo na sa netizens, yung pagkaka-post ng video at pagkakalagay ng caption. Ganun pa man, merong other side of the story,” he said in an interview on Unang Balita.

Giit naman ni Bertiz, hindi kompleto ang video dahil ito raw ay “spliced” at edited.

Kasabay nito ang kanyang pagkuwestiyon sa NAIA sa paglalabas ng CCTV.

Kaugnay nito, humingi naman siya ng paumanhin dahil sa iginawi niya bilang isang government official.

Kahit papaano aniya ay nagpapasalamat pa rin siya kahit man naging viral ang video dahil ang kanyang kinasangkutan ay hindi isyu sa korupsyon.

 

Ayon naman kay House Minority Leader Danilo Suarez dahil sa kontrobersyal na ginawang asal ni Rep John Bertiz sa isang OTS personnel sa NAIA maari itong iakyat sa House Ethics Committee.

reaksyon ng mga netizens:

ots3

 

Source : Facebook

Facebook Comments

1 thought on “ACTUAL VIDEO NI CONG JOHN BERTIZ INILABAS NA NG OTS SA GINAWANG PAG-ASTA SA OTS PERSONNEL SA NAIA!

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.