ADB inaprubahan na ang $125-M loan ng Pilipinas para sa health system

Mas lalo pang magkakaroon ng mabilis na pagtugon ang pamahalaan ng Pilipinas sa paglaban sa pandemya matapos aprubahan ng Asian Development Bank (ADB) ang $125-million loan ng Pilipinas.

Sa press statement, sinabi ni ADB Vice President Ahmed Saeed, mapapalakas na ng Pilipinas ang health system nito kabilang na ang usapin ng pambansa at lokal na pamahalaan.

Ang pag-apruba daw ng ADB sa loan ng pamahalaan ay upang paghandaan ang kasalukuyang pandemya at mga susunod pang banta sa kalusugan.

Maaari din daw magamit ng Pilipinas ang nasabing loan para sa pagnanais nito na maipatupad ang Universal Health coverage para sa mga Pilipino.

Dagdag pa ni Saeed, kailangan din daw ng Pilipinas ang pondong ito para makabili ng mga makabagong kagamitan sa medisina, at gastusan ang training ng mga medical frontliners.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.