Adlai rice na Anti-diabetic rice, target ng Duterte Admin na simulan ng maitanim sa CARAGA region

Isinusulong ng Duterte administration na pagpo- produce ng isang anti- diabetic rice target na sisimulan sa CARAGA Region.

Ayon kay Cabinet Secretary Karlo Nograles, Cabinet Officer for Regional Development and Security sa naturang rehiyon, ang naturang bigas ay ang tinatawag na Adlai rice ay hindi lamang kontra diabetis dahil sa 36 glycemic index rating lamang na content nito kundi mataas din ang fiber na nag- aalis ng bad cholesterol.

Ayon kay Nograles, ipupursige ng pamahalaan ang pagtatanim ng Adlai Rice na dito ay makakalikha ng trabaho hindi lang sa mga magsasaka kundi para din sa mga katutubo at mga rebel returnees.

Target din ani Nograles ng hakbang na dalhin ang program sa mga Geographically Isolated and Disadvantaged Areas sa gitna ng pagtiyak sa food security ng bansa.

Dagdag ng Kalihim na siya ring Chair ng Zero Hunger Task Force na sila’y nakikipag- ugnayan na sa Agriculture Department, para maipakalat ang Adlay at mapaglaanan ng kaukulang pondo sa pagbili ng binhi nito at maipamahagi di lang sa CARAGA kundi pati maging sa ilang lugar ng Mindanao.

Sinasabing high in calcium din ang Adlai rice na nagpapatibay ng buto.

Photo by Adlai Rice facebook page

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.