AFP at PNP, nagsanib pwersa na para durugin ang NPA sa Northern Luzon

Nilagdaan ngayong araw ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) ang isang kasunduan, na magpapalakas ng pagtutulungan ng kanilang mga pwersa upang tuluyang malansag ang New People’s Army (NPA), private armed groups, at iba pang criminal syndicates sa Northern Luzon.

Ang kasunduan na pinamagatang Joint Campaign Plan “Natalna II,” ay nilagdaan ni AFP Northern Luzon Command (NOLCOM) Commander Lieutenant General Arnulfo Marcelo Burgos Jr., at PNP Directorate for Integrated Police Operations (DIPO) – Norther Luzon Commander Police Major General Ferdinand Daway.

Ayon kay Mgen. Burgos, layon ng kasunduan na tugunan ang operational gaps sa mga pinagsanib na operasyon ng AFP at PNP, sa pamamagitan ng paglikha ng karagdagang clusters sa Joint Peace and Security Coordinating Committee o JPSCC.

Sinabi pa ni Mgen. Burgos, na ang pagkakaroon ng matibay na samahan ng mga sundalo sa PNP ang isa sa mga prayoridad ng NOLCOM.

Sinabi naman ni PMGen. Daway, na sa pamamagitan ng kasunduan ay isinapormal ang kooperasyon ng AFP at PNP hanggang sa mismong mga tauhan nila sa grassroots level.

Ayon kay PMGen. Daway, ito ang sagot ng AFP at PNP sa atas ni Pangulong Rodrigo Duterte sa militar at pulis, na paigtingin ang kanilang pagtutulungan upang mawakasan na ang mahigit 50-taong armadong pakikibaka ng mga komunista sa bansa.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.