AFP Chief Gen. Gapay, kumpiyansang matatapos ang problema sa NPA at Abu Sayyaf bago matapos ang termino ng Pangulong Duterte

Nagpahayag ng kumpiyansa si Armed Forces of the Philippines Chief of Staff Gen. Gilbert Gapay na matatapos ng AFP ang problema sa NPA, Abu Sayaff, at iba pang local terrorist groups bago matapos ang termino ng Pangulong Duterte sa 2022.

Ang pahayag ay ginawa ni Gapay sa pagdiriwang ng ika-85 anibersaryo ng AFP kahapon sa Camp Aguinaldo.

Ayon sa AFP Chief, dahil sa sunod-sunod na tagumpay ng AFP laban sa mga grupong ito, nagkaroon na ng “leadership vacuum” ang mga terroristang grupo sa bansa sanhi ng pagkakanutralisa ng kanilang mga high-value members at leaders.

“Significantly degraded” narin aniya ang hanay at armadong kakayahan ng mga grupong ito, dahil sa pagkawala ng kanilang “mass base”.

Itinuturing ni Gapay na “major accomplishment” ang tagumpay ng AFP laban sa mga lokal terrorist groups, sa gitna ng umiiral na situasyon sa Covid 19 pandemic.

Ibinida din ni Gapay ang mga bagong kagamitan ng AFP na nabili sa panahon ng Pangulong Duterte bilang isa sa mga dahilan ng pag-angat ng kapabilidad ng militar na tugisin ang mga terrorista at pangalagaan ang seguridad ng bansa.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.