AFP, determinadong labanan ang pagpapalaganap ng terorismo sa social media

Tiniyak ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff General Gilbert Gapay, na ipupursige ng militar ang pagkontra sa propaganda at iba pang aktibidad ng mga terorista sa social media.

Ang pagtiyak ay binigay ni Gapay, matapos ang unang serye ng virtual training na isinasagawa sa pagitan ng AFP at Facebook.

Dito ay tinalakay ang Facebook community standards at law enforcement policies, na nilahukan ng 60 participants, kabilang ang mga opisyal at tauhan ng AFP.

Kabilang sa mga nagsalita sa dalawang oras na webinar ay sina Mr. Jan Edward Lim, Facebook Content Policy Manager at Mr. Rob Abrams, Law Enforcement Outreach Manager.

Kasama din sina Ms. Clare Amador, Head of Public Policy; Mr. Chris Kuzhuppilly, Public Policy Manager; at Bhume Bhumiratana, Cybersecurity Policy Manager.

Sa panig naman ng AFP, ang mga kalahok sa webinar ay pinangunahan ni AFP Public Affairs Office Chief Navy Captain Jonathan Zata.

Ayon kay Gapay, hindi nila hahayaang magamit ng mga terorista ang social media para linlangin ang mga kabataan, upang mapalakas ang kanilang puwersa.

Umaasa si Gapay, na sa pamamagitan ng mas malapit na ugnayan ng militar at ng Facebook ay maisusulong ang mga proyekto ng pamahalaan para sa ika-uunlad ng mga Pilipino.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.