AFP, nagpasalamat kay Pangulong Duterte sa lahat ng makabagong gamit pandigma

Nagpasalamat si Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff General Gilbert Gapay kay Pangulong Rodrigo Duterte, para sa lahat ng makabagong gamit pandigma na nabili ng AFP sa ilalim ng kasalukuyang administrasyon.

Ang pasasalamat ay inihayag ni Gapay, matapos saksihan ang AFP Anniversary fleet review na nagtampok sa 63 modernong air and naval assets ng AFP, sa karagatan ng Morong Bataan, ngayong tanghali.

Ayon kay Gen. Gapay, ang pagparada ng mga makabong kagamitan ng AFP ay patunay ng maayos na paggastos ng buwis ng taumbayan.

Ang fleet review na pinangunahan ni Defense Secretary Delfin Lorenzana, kasama sina AFP Chief Gen. Gapay, Navy Chief Vice Admiral Giovani Carlo Bacordo, Army Chief Lieutenant General Cirilito Sobejana, Air Force Chief Lieutenant General Allen Paredes, at Philippine Marines Commandant Major General Nathaniel Casem, ay bahagi ng pagdiriwang ng ika-85 anibersaryo ng AFP.

Nanguna sa Philippine Navy Contingent na nagsagawa ng passing maneuver ang pinakabagong barko ng Philippine Navy, ang BRP Jose Rizal, at ang isa sa dalawang pinakamalaki nilang barko na BRP Davao Del Sur; habang sa Philippine Airforce naman ay tatlong FA-50 fighter jets at dalawang bagong-biling Black Hawk helicopters ang nanguna sa fly-by.

Nakasakay naman sa BRP Batak, na isang Navy landing craft ang Simba armored personnel carrier ng Philippine Army, at V-150 tank ng Philippine Marine Corps.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.