AFP nasiyahan sa resulta ng pagdinig ng Senado sa isyu ng red-tagging

Nagpahayag ng kasiyahan si Armed Forces of the Philippines Chief of Staff General Gilbert Gapay sa resulta ng pagdinig ng Senado tungkol sa isyu ng umano’y red-tagging ng militar sa mga progresibong grupo.

Ayon kay Gen. Gapay, malinaw sa mga testimonya ng mga dating miyembro ng CPP-NPA-NDF na humarap sa Senado, na may patuloy na pagtatangka ang kilusang komunista na linlangin ang publiko upang makakuha ng mga bagong miyembro at isulong ang kanilang propaganda.

Ayon sa AFP Chief, ang pagdinig ay naging magandang pagkakataon para kontrahin ang propaganda ang mga komunista sa pamamagitan ng pag-expose sa mga kasinungalingang pinapalaganap ng CPP-NPA-NDF.

Sa kanyang panig, sinabi naman ni National Security Adviser Hermogenes Esperon na ang CPP-NPA-NDF ay nagpapanggap lang bilang mga patriots, freedom fighters, at human right advocates, para pag-samantalahan ang mga bulnerableng sektor.

Pinatotohanan naman ito ng mga humarap na testigo na dating mga mag-aaral sa iba’t ibang unibersidad, kabilang ang University of the Philippines at Polytechnic University of the Philippines, bago na na-recruit ng NPA.

Isinalaysay nila sa pagdinig ang kanilang karanasan sa pakikipag-ugnayan ng mga ligal na organisasyon tulad ng League of Filipino students, Gabriela at Kabataan Partylist sa kilusang komunista.

Ang mga tumestigo narin ang mismong nagsabi na walang “red-tagging” na ginawa ng militar dahil totoong kaalyado ng kilusang komunista ang mga tinutukoy na progresibong grupo.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.