AFP sa mga Militanteng grupo: Sa korte kayo magreklamo

Pinayuhan ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Spokesperson Brig. Gen. Edgard Arevalo ang mga makakaliwang grupo na umaangal sa pag-aresto ng AFP at Philippine National Police (PNP) sa kanilang mga kasamahan sa Bacolod na sa korte nalang sila magreklamo.

Ito’y matapos akusahan ng mga militanteng grupo ang pulis at militar ng “harassment” sa kanilang pag-raid sa mga umano’y tanggapan ng Bayan Muna, Gabriela, Anakpawis at National Federation of Sugar Workers noong Oktubre 31.

Ang operasyon ay nagresulta sa pagka-aresto ng dose-dosenang mga leader at miyembro ng NPA at pagkakasamsam sa samu’t saring armas at pampasabog.

Tanong ni Arevalo, paano naging “harrasment” ang naturang operasyon, gayung may hawak na search warrant ang mga operatiba na inisyu ng korte.

Tungkol naman sa sinasabi ng mga militanteng grupo na planted ang 32 baril at 120 bala na nakuha sa mga arestadong suspek, sinabi ni Arevalo na alinsunod sa batas ay nasa kanila ang responsibilidad na patunayan ang kanilang alegasyon.

Dagdag ni Arevalo na walang exempted sa batas, at kahit sabihin ng mga militanteng grupo na sila’y lehitimong organisasyon ay, sakop pa rin sila ng mga proseso ng korte tulad ng sinumang ordinaryong tao.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.