Aktor na si Mark Anthony Fernandez, naturukan na ng COVID-19 vaccine

Sinisi ni Department of the Interior and Local Government Undersecretary Epimaco Densing III si Parañaque City Mayor Edwin Olivarez nang mabalitaang naturukan ng bakuna laban sa COVID-19 ang artistang si Mark Anthony Fernandez. 

Kasabay nito inamin din ng Pangalawang Kalihim na napikon siya nang mabalitaang nakapagpaturok na ng bakuna laban sa COVID-19 ang aktor sa Parañaque City, gayong hindi naman ito kasama sa priority list ng pamahalaan sa inoculation rollout.

Iginiit niyang mayroong command responsibility dito, ang alkalde.  Nanindigan rin si Densing na hindi pa dapat mabakunahan ang mga taong hindi kasama sa priority list dahil may programang sinusunod ang pamahalaan hinggil dito.

Nauna rito, kinumpirma ni Fernandez na nakatanggap na siya ng unang dose ng COVID-19 vaccine ng AstraZeneca nitong Lunes.

Matapos mabakunahan, hinikayat rin niya ang publiko na magpaturok ng bakuna sa sandaling available na ito sa bansa. 

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.