Alok na “free data access” sa PHL CHED Connect, pakikinabangan na ng mga estudyante at guro na subscribers ng Globe at TM

Magkakaroon na ng libreng data access sa PHL CHED Connect ang mga estudyante at faculty members na subscribers ng Globe at TM.

Ito’y matapos makipag-partner ng Globe telecom sa Commission on Higher Education (CHED) para suportahan ang pangako ng gobyerno na flexible learning.

Ayon kay Ched Chairman Prospero De Vera III, inilunsad noong June 23 ang PHL CHED Connect sa tulong ng international at local education and institutional partners na nagbigay ng kanilang online resources.

Ikinatuwa naman ng CHED ang inisyatibo ng Globe dahil maraming mag-aaral at guro ang makaka-access sa educational materials online ng libre anumang oras at kahit saan lugar.

Ang platform ay accessible sa pamamagitan ng phlconnect.ched.gov.ph kung saan magkakaroon ng 24/7 access ang mga mag-aaral sa educational materials gamit ang iba’t ibang devices.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.