Alunan bumanat kay Belmonte, mahina ang diskarte

Para kay dating Interior and Local Government secretary Raffy Alunan, ang extreme lockdown na inimplementa sa ilang lugar sa Quezon City ay produkto ng mahinang diskarte, pagpapatupad, at self-discipline sa lungsod.

Tuloy, dagdag niya, magdurusa ang lahat ng mga frontliner at mga taong sumusunod sa quarantine rules ng gobyerno.

Sinabi niya ito matapos 34 lugar ang sinailalim ng QC government, na pinamumunuan ni Mayor Joy Belmonte, sa extreme enhanced community quarantine dahil sa mataas na infection rate ng COVID-19.

“Quezon City is the epicenter. Extreme ECQ is the product of poor strategy, enforcement and self-discipline,” wika ni Alunan sa Facebook, Biyernes.

“And everyone suffers. It’s unfair to frontliners and those who follow the rules,” aniya pa, kalakip ang balita ukol sa naturang extreme lockdown sa QC.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.