Alyas BIKOY umaming scripted at kasinungalingan lamang ang mga sinabi niya sa mga video ng ‘Ang Totoong Narcolist’

watch the video here:

PETER JOEMEL ADVINCULA ALYAS ‘BIKOY’ KUMANTA NA

Antonio Trillanes, itinuturo na nasa likod ng DESTABILIZATION PLOT.

Ito po ang kanyang sinabi:

“Hindi ko po kaya na panindigan yung mga scripted lang na kuwento na ngayong talo na yung mga kandidato nila, nararamdaman ko unti-unti na akong nilalaglag. At ang kinatatakutan ko baka sila pa ang mag eliminate sa akin kinalaunan dahil wala na akong silbi sa kanila.

Ang lahat ng nangyari sa ‘Ang Totoong Narcolist’ video episode 1 to video episode 5, yung nirekord ko nung nasa isang kumbento ako, lahat yun pawang scripted, lahat yun pawang kasinungalingan.

Kasinungalingan kasi may plano yung kabilang kampo, magpaputok ng isyu para ma-divert yung atensyon ng tao, papataas ang rating ng administration candidates samantalang walang pumapasok particularly sa OTSO DIRETSO candidates.

Noong ginagawa ang video presentation na ito, hindi ito napakadali. Siyam na buwan pinagplanuhan kung paaano gumawa ng ingay ngayong darating na halalan. At hindi lang yung sa akin na pagsasalita ang plano para doon, maraming nauna. Katulad nung pagsalita ni Jojo Acierto na inuugnay nya si Senator-elect Christopher Lawrence ‘Bong’ Tesoro Go sa isang Michael Yang, kasama yun doon sa mga scripted ng grupo para umingay, para ma-divert yung sambayanan sa talagang totoong nangyayari sa bayan.

At ito nga yung pagputok kay ‘Bikoy’ para ma-discredit si Senator-elect Bong Go at yung iba pang pulitiko, na wala naman talaga. Hindi totoo yun, walang katotohanan lahat-lahat iyon at pawang orchestrated lamang ng mga nasa kabilang party which is the Liberal Party under the handling of Senator Antonio ‘Sonny’ Trillanes IV.

Hindi ko lang nakausap, ilang beses kaming nagpupulong, nagpaplano [ni Trillanes] upang isakatuparan ang PROJECT SODOMA.

Ang PROJECT SODOMA ay isang proyekto para pabagsakin si Presidente Duterte at ang makaupo sa posisyon si VP Leni Robredo. Hinahabol ni Senator Trillanes bago magtapos ang term nya ngayong June 30, 2019, dahil kapag napabagsak si Presidente Duterte ang uupo duly constitutionalized the Vice President Leni Robredo and the Vice President will appoint from the Senate or from the House, a certain congressman or senator to be the vice president and Sonny [Trillanes] will be the line to become the vice president. Yun ang pinakaplano ng ‘Ang Totoong Narcolist.'” – Advincula

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.