AMLC inilabas na ang report tungkol sa PhilHealth officials na bumagsak at nakapasa sa lifestyle check

Tapos na ang ikinasang lifestyle check ng Anti- Money Laundering Council (AMLC) sa mga opisyales ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth), na idinadawit sa bilyon bilyong pisong anomalya sa ahensiya.

Ayon kay AMLC Director Mel Georgie Racela, nasa task force na ang kanilang report na siya namang magsusumite ng buo nilang findings sa Palasyo, sa Lunes.

Gayunpaman, ay tumanggi ng magbigay ng detalye si Racela sa resulta ng kanilang lifestyle check.

Kabilang dito ay kung ilang PhilHealth officials ang sumalang at bumagsak sa lifestyle check.

Bahala na aniya dito ang task force, na siya namang magsusumite ng kanilang findings kay Pangulong Rodrigo Duterte sa darating na September 14.

Mula doon ay malalaman naman kung susundin ng Pangulo ang rekomendasyon ng Senado, na una ng naglabas ng kanilang ulat kaugnay ng anomalya.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.