Anak na babae ni Rep. Mike Defensor may death threat, humingi ng tulong sa NBI

Agad hiniling ni Anakalusugan Partylist Representative Mike Defensor ang tulong ng National Bureau of Investigation (NBI), upang matukoy ang indibidwal na nasa likod ng social media ng death threats laban sa kanyang anak na babae.

Ayon sa mambabatas, isang netizen ang nagkomento sa isa sa kanyang post sa Instagram, kung saan pinagbantaan nitong papatayin ang kanyang anak na si Juliana.

Aniya, bagamat binura na ng naturang netizen ang ipinost na banta ay nakuha naman nila ang pangalan nito.

Kasabay naman nito, ay hinimok ng kinatawan ang publiko na maging responsable sa paggamit ng social media, at igalang magkakasalungat na ang opinyon at pananaw sa mga usapin.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.