Ang Probinsyano Partylist Rep Ronnie Ong, nanawagan na kanselahin muna ang klase ngayong taon

Isa pang mambabatas ang umapela sa Department of Education (DepEd) na ipagpaliban na muna ang klase ngayong taon.

Ayon kay Ang Probinsyano Partylist Representative Ronnie Ong, mas maigi na huwag na ituloy ang pagbubukas ng klase sa Agosto dahil hindi rin naman handa ang karamihan sa mga estudyante para sa isinusulong na blended o online learning.

Aniya, kaaawa-awa lamang umano ang mga estudyante na walang kakayanang bumili ng mga e-learning gadget at may maayos na internet connection para makapag-aral sa darating na pasukan.

Batay kasi sa inilabas na learning continuity plan ng ahensya wala munang face to face classes nang mas maaga sa August 24.  Mula naman August 24 onwards, ang face to face classes ay pahihintulutan lamang sa low risk areas sang-ayon sa minimum health standards na inilabas ng DOH.

Giit ni Ong na higit na apektado sakaling ipatupad ng DepEd ang online classes ay ang mga mag-aaral sa probinsya na karamihan ay walang access sa mga e-learning gadget gaya ng smartphones, tablets, laptops, at stable internet connection.

Nangangamba rin ang kinatawan na baka lalong bumaba ang kalidad ng edukasyon sa kawalan ng kahandaan sa Online Education.

Maging ang mga guro rin aniya ay kulang sa training at hindi lahat ay bihasa pagdating sa online classes.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.