Angel Locsin, banta sa buhay P200M reward pinagsasampa ng pormal na reklamo sa NBI

Nakikipag-ugnayan na ang National Bureau of Investigation (NBI) sa aktres na si Angel Locsin kaugnay sa umano’y banta sa kanyang buhay.

Ayon kay NBI-PIO Chief Nick Suarez, ini-refer na sa Cybercrime Division ang panawagan ng aktres sa kanyang Instagram account.

“The concern of Ms. Angel Locsin has been referred to the Cybercrimes Division and the CCD is now coordinating with Ms. Locsin” ayon sa text message ni NBI-PIO Chief.

Matatandaang nag-ugat ang isyu sa isang tweet ng isang netizen at ang pagbibigay alam ni Locsin sa NBI ng insidenteng ito gamit din ang Twitter.

“Isa ka ba sa mga supporter ni Pangulong Duterte at GMA? Pwes, I will give you 200-million sa sinumang mga Duterte at GMA supporters ang makakapatay kina Kim Chiu, Coco Marin at Angel Locsin. Makakasama n’yo ang NPA para pasabugin ang ABS-CBN Compound,” ayon sa post ng isang NJ Abellanosa.

Sinagot naman ito ng aktres at sinabing “Hello, NBI? Beke nemen po..” kung saan ibinahagi ng aktres sa kanyang IG account ang screenshot ng nasabing post .

View this post on Instagram

Hello, NBI? Beke nemen po…😅

A post shared by Angel Locsin (@therealangellocsin) on

Ayon naman kay NBI-PIO Chief sa ngayon ay wala pang dumudulog sa NBI na artista o kahit si Locsin.

“The NBI takes seriously any threats made against any person. If Angel Locsin and other artists receive threats of physical harm or other means sent thru the social media and they feel these threats are serious, they have all the right to seek the assistance of the NBI so their concerns can be appropriately addressed.” ayon pa kay Suarez.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.