Angel Locsin, papasukin nga ba ang politika?

Malayo pa ang 2022 elections pero maraming netizens ang nag-uudyok na pasukin na rin ng aktres na si Angel Locsin ang pulitika.

Kamakailan nga ay nabigyan pa ng Centennial Champion Award ang philanthropist actress mula sa Zonta Club ng Makati and Environs, isang global organization empowering women around the world, para sa kanyang outstanding contribution and volunteerism in times of crisis.

Kinilala ng grupo ang voluntary work ni Angel nitong nakalipas na mga taon like ‘yung pagtulong niya sa evacuees ng limang-buwang digmaan sa Marawi City, Lanao del Sur noong 2017, at ang pangunguna sa pagtulong ng mga sinalanta ng iba’t-ibang kalamidad gaya ng bagyo, earthquake, pagsabog ng Taal volcano at iba pang nangyaring trahedya.

Kasama sa citation ni Angel ang pagtulong niya sa paglikom ng pondo para sa mga apektado ng COVID-19 pandemic.

Nariyan ang pagpapatayo niya ng mga isolations tents sa mga hospitals katuwang ang kanyang grupo at ang fiancé na si Neil Arce.

Kasama na rin dito ang pagbenta niya ng mga personal na gamit at ganu’n din ang pghikayat sa mga kaibigang personalidad na tumulong din at magbigay sa kapwa Filipino.

Very proud na pinasalamatan ni Angel ang organisasyon.

Sa litratong ipinost ng aktres sa Instagram ay ipinagmalaki niya ang natanggap na Centennial Champion Award.

May quote pa na ginamit ang aktres mula kay Mother Teresa na: “I alone cannot change the world, but I can cast a stone across the waters to create many ripples.”

Ni-repost ni Angel sa kanyang soc med account ang award na binigay ng Zonta Club at ni-retweet naman ito ni Comelec Commisioner Rowena Guanzon at nagbigay pa ng opinion.

“In my opinion, if Angel Locsin runs for Senator, she can win,” caption ni Commissioner Guanzon.

Dugtong pa niya, “Tatak Bisaya, Ilongga. Courageous, bright and with a sincere heart.”

Naniniwala siyang papasang senador ang aktres. Taglay daw ni Angel ang mahahalagang katangian ng isang mahusay na mambabatas.

May mga sumang-ayon sa Comelec official at may iba namang nagdududa sa kakayahan ng aktres.

“Hindi po sa ayoko sa kanya maam… pero ang senator po ay tiga-gawa ng batas, so ‘di po ba dapat ay lawyers just like u..?”

Sinagot ni Comelec chairman ang nag-comment. Kumpiyansa raw siyang kakayanin ni Angel ang mga tungkulin ng isang mambabatas.

“Kaya ni @143redangel ‘yan…

“She will hire bright lawyers to help her.”

Dagdag pa niya, maraming elected law makers na abogado nga pero hindi naman magaling at honest.

Mas mabuti pa raw kung ang ihahalal sa senado ay isang tulad ni Angel: “Kailangan natin ‘yung walang personal interest. Bayan ang nasa puso.”

Kinuwestyon din ng mga netizens si Guanzon hinggil sa pag-eendorso niya sa isang future senatorial candidate samantalang siya ay nakaupo bilang mataas na opisyal sa Comelec.

Ang pagpapahayag ni Guanzon ng kanyang opinion ay itinag niya kay Angel.

Sa ngayon ay wala pang reaksyon ang actress sa bagay na ito.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.