Angel Locsin, posibleng kasuhan dahil sa mga paglabag sa IATF protocols

Posibleng kasuhan ng paglabag sa Inter Agency Task Force (IATF) protocols ang actress na si Angel Locsin, matapos dagsain ng mahigit 3,000 katao ang kanyang birthday community pantry sa building nito, sa Holy Spirit Drive, na nagresulta pa sa pagkasawi ng 67 taong gulang na lalaki.

Ayon kay Jomar Lagarto, barangay kagawad ng Barangay Holy Spirit, hindi nakipag-ugnayan ang kampo ni Locsin, kung kaya walang nailatag na sistema para sa crowd control.

Maging ang aktres, ay nagulat sa dagsa ng tao na umabot hanggang Sandiganbayan ang buntot ng pila ng mga tao.

Ipinost kasi ito ng aktres sa kanyang Facebook page, kasama ang mga picture ng high end goods.

Humarap mismo ang aktres at nakiusap sa mga tao, na magsiuwian na muna dahil nalalabag na ang social distancing rule.

Aabot lang pala sa 300 ang stubs na naipamigay, pero ang pumila at dumating na tao ay 3,000, na galing sa iba’t ibang distrito sa Quezon City.

Di na kinaya ng BPSO ng barangay at ng Task Force Disiplina, ang mala-dagat na tao na nag-uunahang makita ang aktres at makakuha ng ipapamigay na goods.

Dahil sa sobrang siksikan at matinding sikat ng araw, hinimatay ang 67 taong gulang na si Rolando Dela Cruz, na di na umabot ng buhay sa ospital.

Dahil dito, sobrang dismayado ang maraming tao na umuwing luhaan dahil hindi nakatanggap ng ayuda.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.