Anim na banyagang suicide bombers, mino-monitor ng militar sa Mindanao

Kinumpirma ni Philippine Army Chief Lt. Gen. Cirilito Sobejana na anim pang mga banyagang suicide bombers ang kanilang mino-monitor ngayon sa Mindanao.

Ito’y matapos maaresto ng pinagsanib na pwersa ng Armed Forces of the Philippines at Philippine National Police ang babaeng Indonesian suicide bomber na si Renzy Fantasya Rulli alyas Cici noong Sabado ng madaling araw.

Sinabi ni Sobejana si Rullie at ang asawa nitong si Andi Baso ay kabilang sa mga foreign suicide bombers na nasa kanilang watchlist.

Binunyag naman ni Sobejana na limang buwang buntis si Rullie, at balak nitong magsasagawa ng suicide bombing sa Sulu kapag nakapanganak na ito.

Mistula aniyang ginagawang “family affair” ang suicide bombing dahil mag-asawa ang sangkot dito.

Tumanggi naman si Sobejana na kilalanin ang anim na suicide bombers na tinutugis ngayon ng militar at sinabi lang na ang mga ito ay mula sa Malaysia, Indonesia, at Egypt.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.