Anti-terror law, kukuwestyunin nina Pangilinan at Hontiveros sa Korte Suprema

Patuloy na mananawagan ang dalawang senador na kontra sa pagpasa ng Anti-Terrorism Act of 2020 at iginiit na hindi sila titigil na ipabasura ang “unconstitutional” at “draconian” measure which na nilagdaan na ni President Rodrigo Duterte upang maisabatas.

Batay kay Senator Francis “Kiko” Pangilinan, inaasahan na niya ang desisyon ng Presidente ngunit nanindigan na hindi pa tapos ang laban.

“I am not surprised. From Day 1, this Administration unleashed draconian and authoritarian measures as a showcase of its brand of leadership. These draconian measures however have been exposed as nothing more than a show of senseless, mindless violence as means to sow fear amongst the people,” aniya.

Saad ng senador, ang drug war ng adminstrasyon ay bigong madakma ang big-time drug lords; hindi rin napagtagumpayan ng martial law sa Mindanao ang reconstruction ng Marawi; at higit sa lahat, hindi napigil ng pinakamahabang lockdown ang pagkalat ng COVID-19.

“Patunay lahat ito na hindi kamay na bakal ang solusyon sa ating mga problema,” dagdag pa ni Kiko.

Kukwestyunin aniya sa Korte Suprema ang pagiging konstitunal nito.

“Basura ang pilit na isinusubo sa taumbayan. Dapat ibasura ang walang kwentang batas na ito at handa tayong kwestyunin ang constitutionality ng batas na ito sa Korte Suprema. Hindi pa tapos ang boksing. Hindi pa tapos ang laban.”

Gayundin si Senator Risa Hontiveros na hindi pabor sa naturang batas.

“While the country’s COVID-19 cases have gone past 40,000 and while 7.3 million Filipinos have lost their jobs and livelihood, Malacanang has instead signed the Anti-Terrorism Law that it will use to trample on Filipinos’ basic rights and freedoms,” pahayag ni Hontiveros.

Hindi aniya timing ang pagpasa ng administrasyon lalo pa ngayon na may global pandemic.

“This law, with its vague and unconstitutional provisions, will provide government with fearsome legal tools to oppress and silence those who speak out and resist the injustices, the violence and the corruption of those in power,” lahad pa ni Hontiveros.

“Pero hindi tayo papatinag. Mas lalo nating palalakasin ang ating boses laban sa paniniil ng ating kalayaan.”

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.