Anti-Terrorism Law, AFP Chief Gen. Gapay binilin sa mga sundalo na maayos na pagpapatupad

Binilinan ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff Gen. Gilbert Gapay ang lahat ng mga sundalo na dapat maayos at deliberate ang pagpapatupad ng Anti-Terrorism Law sa lahat ng panahon.

Sa isinagawang Talk to Men ni Gapay ng bisitahin nito ang Central Command, binigyang-diin nito na ang bawat sundalo ay dapat responsible, accountable, at objective sa pagpapatupad ng nasabing batas.

Ayon kay Gapay, malaki ang maitutulong ng batas sa AFP dahil magkakaroon na ng kumpiyansa ang mga sundalo sa paglunsad ng operasyon.

Ang pahayag ni Gapay ay matapos inilabas na ang binuong Implementing Rules and Regulations (IRR) na siyang magiging gabay ng mga law enforcement agencies sa pagtugon sa problema sa terorismo.

Bukod sa kampanya ng militar para labanan ang terorismo, naniniwala si Gen. Gapay na kailangan ng “whole of nation approach” para tugunan ang problema sa terrorism.

Pinuri naman ni Gen. Gapay ang mga tauhan ng Central Command sa kanilang mahusay na pakikipaglaban sa mga local terrorist groups kasabay ng kanilang pakikibaka sa pandemya.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.