Anti Terrorism Law, maaari nang ipatupad kahit wala pang IRR -SP Tito Sotto

Pinaalalahanan ni Senate President Vicente Sotto III ang security at law enforcers ng bansa, na maaari na nilang ipatupad ang Anti Terrorism Law kahit wala pa ang implementing rules and regulations (IRR) nito.

Sa isang tweet, nanawagan si Sotto sa pambansang pulisya, na huwag nang hintayin ang IRR at ipatupad na ito.

Ito ang naging tugon ng senate president sa pagsang-ayon ng Philippine National Police (PNP), sa mungkahing magpatupad ng Martial law sa Sulu, matapos ang nangyaring kambal na pagpapasabog doon nitong Lunes.

Sinuportahan naman ni Senador Panfilo Lacson ang pahayag ni Sotto…

Ayon kay Lacson, maaari nang gamitin ang Anti Terrorism law para masampahan ng kaso ang mga itinuturong suspek sa twin bombing sa Jolo, kahit wala pa ang IRR ng batas.

Aminado naman ang senador, na kung maaga lang sanang nailabas ang IRR ng naturang batas ay naiwasan sana ang naturang pag atake.

Nanawagan rin ang mambabatas sa mga ahensyang naatasang buuin ang IRR, na tapusin na ito sa lalong madaling panahon at huwag nang hintaying matapos ang 90 days na ibinibigay para sa paglalabas nito.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.