Antonio Trillanes binigyan ng palugit para sumagot sa kasong kidnapping

Ni-reset ng Department of Justice (DOJ) ang preliminary investigation hinggil sa reklamong kidnapping ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) laban kay dating senador Antonio Trillanes IV.

Muling itinakda ni Assistant Prosecutor Gino Paolo Santiago ang preliminary investigation sa Oktubre 22.

Binigyan si Trillanes ng sampung araw na palugit para maghain ng kanyang counter-affidavit.

Nahaharap sina Trillanes, Jesuit priest Albert Alejo, lawyer Jude Sabio at isang Sister Ling ng Convent of Cannussian Sisters sa mga kasong kidnapping at serious illegal detention kaugnay ng alegasyon ng Davao-based businesswoman na si Guillermina Barrido.

Sinabi ni Barrido na sinubukan siyang suhulan ni Trillanes para tumestigo laban kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Ikinulong umano siya noong Disyembre 2016. Una sa Convent of Cannussian at sumunod sa Holy Spirit Convent.

Pinipilit din umano siyang pumirma sa “ready-made” affidavit laban sa administrasyon.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.