Apat na sundalo ang patay matapos na maka-engkwento ang mga pulis sa Jolo Sulu

Apat na miyembro ng AFP Intelligence Team ang na patay sa isang engkwentro sa pagitan ng mga pulis kahapon sa bahagi ng Sitio Marina, Barangay Walled City, Jolo, Sulu.

Ayon sa spot report ng Jolo MPS habang nagsasagawa diumano ng pagpapatrol ang tropa ng Jolo MPS at PDEU Sulu sa Barangay Bus-Bus, Jolo, Sulu ng mapansin ang isang Gray SUV Montero na may sakay na apat katao ang hinarangan at inusisa ng mga pulis.

At ng huminto ay nagpakilala diumano ang apat na miyembro ng AFP kayat sinabihan na lang ang mga ito na pumunta muna sa himpilan ng pulisya para sa verification.

At habang binabaybay diumano nila ang kahabaan ng daan patungo sa himpilan ng Jolo MPS ay biglang lumihis ang tinatahak na daan ng SUV na sakay ang apat na mga kalalakihan patungo sa Martirez, Barangay San Raymundo, ng nabanggit na bayan.

Agad na bumaba umano ang mga ito bitbit ang kanilang mga armas at itinutok sa mga sumusunod na pulis kayat bago pa man sila naka pagpaputok ang apat na kalalakihan ay agad na pinaputokan na ang mga ito ng sumusunod na mga pulis bilang depensa na sa kanilang mga sarili.

Kinilala ang mga nasawing mga miyembro ng militar na sina Major Marvin Indamog, Commanding Officer ng 9ISU, Capt. Irwin Managuelod, FS Commander, Sgt. Eric Velasco at Cpl Abdal Asula.

Dahil sa natamung tama ng bala sa katawan ay naging sanhi ito ng kanilang agarang kamatayan.

Kinumperma naman ng Task Force Sulu na mga miyembro ng Army Intelligence Team ang apat na napatay sa nasabing engkwentro.

Ayon sa ipinalabas na report ng Task Force Sulu, nagsasagawa ng isang imbestigasyon at monitoring ang tropa ng militar sa lugar matapos na matanggap ang umanoy impormasyon na may mga grupo ng suicide bombers na tauhan ni Mundi Sawadjaan sa lugar.

Sa ngayon ay nagpalabas na ng pahayag si DILG Secretary Año na hahawakan ng NBI ang nasabing insidente na ikinamatay ng apat na sundalo at kung anu ang totoong nangyari.

Inatasan si Philippine National Police (PNP) Chief General Archie Francisco Gamboa ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año na pa-disarmahan ang mga tauhan ng Jolo PNP na sangkot sa enkwentro sa pagitan ng pulis at militar sa Jolo, Sulu na ikinasawi ng apat na sundalo kahapon ng 2:30 ng hapon.

Kasabay nito inatasan din ni Año ang PNP Criminal Investigation and Detection Group o CIDG na alamin ang mga pangyayari na humantong sa enkwentro.

Naki-usap din ang kalihim sa National Bureau of Investigation (NBI) na magsagawa ng sarili nitong imbestigasyon sa insidente.

Base sa report ni PNP BARRM Spokesperson Police Major Jemar Delos Santos, napansin ng mga pulis ang isang kulay gray na Montero na sakay ang apat na armadong lalaki.

Nang sitahin ng mga pulis, nagpakilala ang mga sakay ng Montero na miyembro ng Armed Forces of the Philippines kaya sinabihan silang dumeretso sa Jolo Municipal Police Station para sa verification.

Pero sa halip tumungo sa Jolo Police Station ay tumakas umano ang mga suspek patungo sa direksyon ng Martirez, Barangay San Raymundo, Jolo, Sulu kaya nagkaroon ng sagupaan na nauwi sa pagkamatay ng mga sundalo.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.