Apela ni Maria Ressa sa pamahalaan, matutong makipagtulungan sa mga journalist

Nanawagan si Rappler CEO at Executive Editor Maria Ressa sa pamahalaan na dapat itong matutong makipagtrabaho sa mga mamamahayag.

Sa ginanap na press briefing matapos mahatulan ng “Guilty” si Ressa at dating reporter nito na si Reynaldo Santos Jr. ng paglabag sa Cyber Libel Law of 2012, umapela ito sa pamahalaan at sinabing ang mga mamamahayag ay hindi nito kaaway.

Layunin aniya ng mga journalists na masiguro na maayos na napapatakbo ang ating bansa.

Panawagan ni Ressa sa pamahalaan na hayaan nito ang mga mamamahayag na gawin ang kanilang trabaho.

Kasabay nito ay sinabi rin ni Ressa na ito na ang pinakamalalang nangyari sa kanya bilang isang mamamahayag.

Kaugnay nito ay nababahala din si Ressa sa posibleng kahantungan ng investigative journalism sa bansa bunsod nang desisyon ng korte.

Aniya sa apat na taong pag-atake sa Rappler ang natutunan aniya niya ay huwag magpasindak sa mga makapangyarihan at sa halip ay ituloy ang pagsulat ng istorya.

Paliwanag nito, ngayon higit kailanpaman ay kailangan ang investigative journalism dahil sa nangyayari sa ating bansa.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.