Araw ng mga Bayani inialay ni Mayor Isko Moreno sa ating mga frontliners

“Kapag kayo po ay nakakita ng frontliners, please give them a simple thank you.”

Ito ang apela ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso sa publiko partikular na sa mga Manilenyo kasabay ng pagdiriwang ngayon ng “Araw ng mga Bayani.”

Ayon kay Domagoso, ang isinagawang flag raising ceremony ngayong araw ay iniaalay sa lahat ng mga nagsisilbing frontliners na itinuturing umano na mga bagong bayani lalo na ngayong panahon ng pandemya.

“Sa mga barangay, kawani ng pamahalaan, kapulisan at higit sa lahat yung ating mga medical frontliners. Keep up the good job, our doctors, nurses and medical staff are doing their best to continue to raise the high recovery rate.” giit ni Domagoso.

Kaugnay nito, bilang bahagi pa rin ng pagdiriwang ng Araw ng mga Bayani ay personal na tinanggap ni Domagoso ang limang bagong motorsiklo na donasyon mula sa Filipino-Chinese Shin Lian Association Inc. na nirepresenta ni Mr. Jefferson Lau, Fuijan General Business Association President Mr. Andy Co, Philippine Chinese Commerce and Industry Overseas Association Inc., at kay Mr. Nelson Guevarra ng PG Flex Linoleum.

Ang limang motorsiklo na donasyon ay itinurn-over kay Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) Director Dennis Viaje upang magamit ng mga traffic enforcer, na nagsisilbi din na mga frontliners, sa kanilang operasyon patungkol sa pagsasa-ayos ng trapiko sa lungsod ng Maynila.

Ayon kay MTPB Chief for Operation Wilson Chan Sr., mas mapapabilis ang pagresponde ng kanilang mga tauhan ng Motocycle unit lalo na sa mga emergency situation o aksidente sa kalsada na nagdudulot ng pagbigat ng daloy ng trapiko.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.