Arestado sa buy-bust operation ng PNP at PDEA ang dating FHM model

Naaresto sa joint buy-bust operation ng Philippine National Police (PNP) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang isang umano ay dating FHM model, sa Greenwood Executive Village, Brgy. Sta. Ana, Taytay, Rizal, kahapon ng 4:30 PM.

Sa ulat ng Police Regional Office (PRO) 4A na nakarating sa Camp Crame, kinilala ang suspek na si Charlene Midel Mecayer alyas “Cindy”, 24, single, at residente ng Phase 9, Brgy. Sta. Ana, Taytay Rizal.

Ang buy-bust operation ay isingawa ng mga tauhan ng PDEA -Special Enforcement Service, sa pangunguna ni Agent Romeo R Matias, Jr.; Taytay Municipal Police Station sa pangunguna ni PSSG Adrian Calleja at PDEA 4A Rizal sa pamumuno ni Agent Reynald C Poquiz sa superbisyon ni IAV Roberto T Sebastian.

Inaresto ang suspek matapos na pagbentahan ang mga operatiba ng isang sachet na naglalaman ng pinaghihinalaang shabu.

Narekober sa suspek ang 10 sachet, na naglalaman ng pinaghihinalaang shabu na may kabuuang timbang na 10 gramo, na nagkakahalaga ng P68,000, at tatlong tableta ng ecstasy na nagkakahalaga ng P4,500, at siyam na pirasong improvised tooter.

Ang suspek ay sasampahan ng kasong paglabag sa Sections 5, 11, at 12 Art II of RA9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.