Arestado, suspek sa road rage na nag-pakilalang anak ng congressman na gamit ang SUV na may plakang ‘8’

Naaresto na ng mga awtoridad ang suspek sa road rage video na nag-viral sa social media na sangkot sa road rage at nambugbog pa umano na isang motorista sa Balibago, Angeles City na gamit ang isang FJ Cruiser na may plakang number 8. Nagpanggap pa umano ito na anak daw sya ng isang kongresista.

Naganap ang paghuli noong Martes ng gabi, at pinangalanan ang suspek na si Jojo Valerio, miyembro ng isang banda na may bansag na ‘Lil Eyes band’.

lil eyes

Sa Baketeers Bar and Grill sa Tarlac City naispatan ang suspek, na matagumpay na namanmanan ng tracker ng mga operatiba, at ayon rin sa mga biktima ay positibo ang pagkakakilanlan ng suspek.

Matatandaan na naganap ang isang insidente nang panggigitgit sa isang babaeng drayber sa Congressional Avenue sa Quezon City, habang may halos kaparehas din na insidente noong Linggo kung saan makikitang sinapak pa ang isang tsuper ng pulang kotse sa Angeles City, Pampanga.

Hindi tangan ni Valerio ang FJ Cruiser na kanyang ginamit nang mahuli ito ng pulisya, kaya’t patuloy pa itong hinahanap na magagamit bilang dagdag ebidensya.

Wala rin umano itong koneksyon sa Kamara, na dahil sa plaka ay napagkamalang opisyal o kamag-anak ng isang kongresista.

Kasalukuyang nakadetine si Valerio sa police station sa Angeles City habang hinahanda pa ang isasampang kaso dito.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.