Armed Forces of the Philippines, Magtatayo ng defense facility sa Fuga Island

Magtatayo ang Armed Forces of the Philippines (AFP) ng defense facility sa Fuga island, ang pangalawang pinaka-hilagang isla ng Pilipinas na bahagi ng Babuyan Archipelago.

Ayon kay Northern Luzon Command (NOLCOM) Spokesperson Maj. Ericson Bulusan, ito ay kabibilangan ng sheltered pier, naval station, at 20 ektaryang littoral monitoring station para mabantayan ng husto ang hilagang teritoryo ng bansa.

Noong nakaraang linggo ay nakumpleto na ng Nolcom sa pamamagitan ng Naval Forces Northern Luzon (NFNL) ang Marine detachment at itinaas ang bandila ng Pilipinas.

Ang seremonya ay pinangunahan ni Col. Simplitius Adecer PN (M), ang Deputy Commander for Marine Operations ng NFNL, at Commander ng Naval Task Force 12 (NTF 12).

Mahalaga ang Fuga Island dahil sa air strip nito at lokasyon na malapit sa mga fiber-optic cables sa karagatan na ginagamit sa internet at komunikasyon na nag-uugnay sa Pilipinas sa Mainland Asia.

Patuloy din ang pagtatayo ng NOLCOM, NFNL, at Philippine Coast Guard ng mga Flag markers at light house sa mga isla sa Cagayan, Batanes, at Babuyan Group of Islands para ma-secure ang maritime at sovereign territory ng bansa.

Photos courtesy of NOLCOM

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.