Arnel Ignacio, kaisa sa panawagan na “Run Sara Run” para sa 2022 presidential election

Patuloy na dumarami ang nananawagan kay Davao City Mayor Sara Duterte para kumandidato sa 2022 Presidential election.

Kasama na rito si Award Winning  Celebrity Host na si Arnel Ignacio.

Pormal itong nagpahayag ng kaniyang suporta para itulak ang  pagtakbo ni Mayor Sara sa pagka-pangulo sa 2022.

Ang Grupo Inday Cares na pinamumunuan ni Daniel Nobleza,  ay pormal na i-endorso ni Arnel Ignacio ang kampanya na “RunSaraRun2022”.

Ani ni Ignacio, “Dapat ipagpatuloy ang nasimulan at nagawa ni Pangulong Rodrigo Duterte na pagbabago sa bansa at wala ng iba pang  dapat pumalit sa kanya kundi si Sara Duterte.Kaya  sigaw natin Run Sara Run tayo.”

Ngunit hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa rin  nagbabago ang isip ni Mayor Sara Duterte hingil sa pagtakbo sa 2022.

Sa isang panayam kay Mayor Sara Duterte, sa 2034 pa siya tatakbo para sa presidente  at sanay  suportahan siya ng taong bayan sa kanyang desisyon.

Samantala, una naring nagpahayag si DOLE Sec. Silvestre Bello III ng kanyang suporta upang hikayatin ang alkalde na maging pangulo.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.