Asawa ng Megastar sunog kay DFA Sec Locsin

Hindi nakapagtimpi at pinaulanan ng mura ni Foreign Affairs Sec. Teodoro “Teddy Boy” Locsin Jr. ang mister ni Megastar Sharon Cuneta na si Senador Francis “Kiko” Pangilinan matapos kuwestiyonin ang pagpabor ng gobyerno sa mga test kit na gawa sa ibang bansa kesa sa mga Pinoy-made.

Sabi ni Pangilinan sa isang statement, mas pinili raw ng Department of Health na gumamit ng mga COVID-19 test kit na mula sa China at South Korea sa kabila na mas mura ang Filipino-made na GenAmplify RT-PCR.

Paliwanag ni Locsin, ito ay dahil daw sa napatunayan nang epektibo ang mga COVID-19 test kit ng China at South Korea.

Dapat daw ay manahimik na lang si Pangilinan kung wala itong makabuluhang sasabihin.

Hindi raw niya hahayaan na mamatay ang mga Pilipino para lang masuportahan ang “iprayoridad ang mga gawang Pinoy”.

“Why? Why? Because they’re proved to fucking work that’s fucking why? What’s wrong with you. Shut up if you have nothing intelligent to say. Putangina. I am not gonna let our people die in the name of Filipino first. Putangina,” tweet ni Locsin nitong Martes. 

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.