ASG Subleader na sangkot sa pambobomba at pamumugot, arestado ng PNP

Naaresto ng mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) ang subleader ng Abu Sayyaf Group, sa operasyon kahapon sa Barangay Caliran, Mabuhay, Zamboanga Sibugay.

Kinilala ni Policeo Regional Office (PRO) 9 Director Brigadier General Jesus Cambay Jr., ang naarestong Abu Sayyaf na si Jamiul Nassalon, 41 taong gulang, residente ng Muti Zamboanga City, na may mga alyas na Ustad Amih, Abu Harris, Abu Janar, at Abu Jamih.

Ang pag-aresto ay sa bisa ng warrant of arrest sa mga kasong serious illegal detention with ransom, at multiple attempted murder.

Ayon kay Bgen. Cambay, ang suspek ay sangkot sa pagdukot at pamumugot sa isang Doroteo Gonzales noong 2009 sa Brgy. Buenavista, Zamboanga City; sa pagpapasabog sa bus terminal sa Guiwan, Zamboanga City noong 2012; at pag-massacre sa walong mangingisda sa Siromon Brgy. Dita, Zamboanga City noong 2017.

Batay pa sa intel report ng PNP, sa ngayon bumubuo si Nassalon ng grupo para naman gumawa ng terroristic activity sa Zamboanga Peninsula.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.