Ate Vi, kumpirmadong tatakbo sa senado!

Kumpirmado nang tatakbo sa Senado si Lipa Representative at Star For All Seasons na si Vilma Santos-Recto. ito ang nasagap ng Remate Online.

Bale may “position switching” na mangyayari sa kanila ng asawang si Senator Ralph Recto na tatakbo namang Kongresista.

Napaulat na tatakbo ang aktres-pulitiko sa tiket na nagsusulong sa tandem nina Senator Ping Lacson at Senate President Tito Sotto na tatakbong Pangulo at Pangalawang Pangulo, respectively.

Nauna rito, itinanggi na ni Vilma na tatakbo siya sa isang pambansang puwesto dahil aniya’y may natitira pa siyang isang termino bilang Congresswoman ng Lipa, Batagas.

Tututukan din daw muna niya ang malawakang pagpapabakuna ng kanyang mga nasasakupan.

At dahil nag-aaalboroto na naman ang Bulkang Taal ay isa rin ito sa paglalaanan niya ng atensyon.

Balitang bukod kay Vilma ay may nakareserbang slot din sa 12-man senatorial slate ng Ping-Tito tandem para kay Kris Aquino.

Pero kabilang na sa kanilang ticket sina Loren Legarda, Chiz Escudero, JV Ejercito, Sherwin Gatchalian, among others.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.