Atty. Chel Diokno, hugas-kamay sa loan ng ABS-CBN kahit consultant sya ng DBP

Agad dumepensa si Atty. Chel Diokno sa pagkaka-abswelto ng Development Bank of the Philippines (DBP) sa utang ng ABS-CBN. 

Ito’y matapos lumutang ang pangalan ni Diokno na umanoy naging consultant ng DBP ng ipawalang bisa ang bilyong piso na loan ng Channel 2. 

Si Diokno ay nagsilbing consultant noong 2004 hanggang 2006 kung saan yun din ang sinasabing panahon na inabswelto ang utang ng TV network. 

Sa kanyang social media post, sinabi ni Diokno na bilang consultant ay wala siyang decision-making sa naturang isyu. 

Ang mga Board of Directors umano ng DBP ang nagbigay ng desisyon para ipawalang saysay ang loan ng ABS-CBN. 

Kahapon, sinabi naman ni Anak Kalusugan Party-list Representative Mike Defensor, ipapatawag nila sa susunod na pagdinig ng House Committee on Good Government ang mga opisyal ng DBP na nakaupo noong panahong pinawalang bisa ang utang ng TV network. 

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.