Atty. Gadon, naghain ng impeachment complaint vs SC AJ Leonen

Nais ipa-impeach ni Atty. Larry Gadon sa Mababang Kapulungan ng Kongreso si Supreme Court Associate Justice Marvic Leonen. 

Ito ay dahil sa kabiguan niyang mag-file ng kanyang Statement of Assets Liabilities and Networth (SALN) noong ito ay professor pa ng University of the Philippines. 

Sa kanyang reklamo, sinabi ni Gadon na labag ito sa batas kung kaya’t dapat lamang na alisin bilang mahistrado ng Korte Suprema si Associate Justice Marvic Leonen.

Una dito, naghain ng qou warranto petition si Gadon sa Supreme Court laban kay Leonen ngunit ibinasura ito ng SC. 

Humingi din siya ng kopya ng SALN ng mahistrado sa SC ngunit tinanggihan din ito. 

Dahil dito, ang Kamara ang nakikitang venue ni Gadon para alisin si Leonen bilang miyembro ng Supreme Court dahil sa kabiguan nitong mag-file ng kanyang SALN. 

Matatandaang naalis bilang punong mahistrado ng Korte Suprema si Ma. Lourdes Sereno na nabigo noon na maghain ng kanyang SALN. 

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.