Atty. Gadon nagpetisyon sa SC, Pagpalit ng pangalang NAIA mula sa dating MIA, iligal

Nagpasaklolo sa Supreme Court si Atty. Larry Gadon at hiniling na ideklarang iligal o hindi naayon sa batas ang pagpalit pangalan sa Metro Manila Airport (MIA) bilang Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Nakasaad sa kanyang labing-anim na pahinang petisyon na ideklarang null and void ang Republic Act No. 6636 dahil labag aniya ito sa umiiral na rules and laws kaya dapat aniyang ibalik sa orihinal na pangalan na Manila International Airport .

Iginiit ni Gadon na base sa National Historical Commission of the Philippines Guidelines ay nakasaad ang mandato na walang public place na dapat palitan ang pangalan o ipangalan sa sino mang indibidwal sa loob ng sampung taon ng kanyang kamatayan maliban na lamang sa mabigat na kadahilanan.

Si dating Senator Benigno “Ninoy” Aquino III aniya ay na-assassinate sa tarmac ng nasabing paliparan noong August 21, 1983 at ang MIA ay pinalitan ng pangalang NAIA noong November 1987.

Nilabag aniya nito ang guideline dahil apat na taon pa lamang noon matapos na mamatay si Ninoy nang ipangalan sa kanya ang masabing airport.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.