Atty Gadon sa Ombudsman, hinikayat na unahin ang mga kasong may mabigat na ebidensya kaysa sa isyu ng DOH

Hindi katanggap-tanggap para sa maraming complainant na unang pag-aaksayahan ng panahon ng Office of the Ombudsman ang isyu sa Department of Health (DOH) kaysa sa maraming kaso na nakabinbin sa kanilang tanggapan.

Sinabi ni Atty. Larry Gadon, wala namang complainant na nagtungo sa Ombudsman para ireklamo sina Health Secretary Francisco Duque at iba pang opisyal na tumutugon sa kanilang trabaho para labanan ang COVID-19.

Ayon kay Gadon, napakaraming kaso ang hawak ng Ombudsman na may mabibigat ng ebidensya ngunit hindi pa rin nila ito isinasampa sa Sandiganbayan.

Inihalintulad niya ang kaso ng Dengvaxia, SAF 44, Yolanda fund, at DAP na umanoy matagal nang nakabitin sa Ombudsman ngunit hindi naman nito inaaksyunan.

Bulto-bultong mga ebidensya na rin ang naisumite sa Ombudsman ngunit nakapagtatakang tinulugan na ito sa mahabang panahon.

Bagamat suportado ni Gadon ang anumang pagsisiyasat sa pagtugon ng gobyerno sa COVID-19, hindi rin daw dapat kalimutan ng Ombudsman na may mandato itong isampa ang kaso sa Sandiganbayan lalo pa at matitibay ang mga ebidensya laban sa mga respondents.

Ang hamong ito ay kanyang ginawa matapos maglabas ng subpoena si Ombudsman Samuel Martires laban sa DOH at Department of Budget and Management (DBM) officials.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.