Atty. Larry Gadon, pinapag-inhibit ang 9 na senador sa pagdinig ng ABS-CBN franchise

Siyam na senador kabilang na si Senate President Vicente Tito Sotto III ang pinapag-inhibit ni Atty. Larry Gadon sa pagdinig ng Senado sa prangkisa ng ABS-CBN.

Sa kanyang ipinadalang sulat sa Mataas na Kapulungan ng Kongreso, pawang may mga vested interest umano ang mga senador sa kumpanya kaya’t dapat hindi ito makisali sa anumang pagdinig sa franchise application ng TV network.

Sinabi ni Gadon na ang  mga senador na ito ay may alegasyon na hayagang alam ng publiko na nakikinabang pati asawa o kapamilya sa ABS CBN bilang stockholder, talent, producer o iba pang interes, sa ABS-CBN Channel 2, TV Plus, Skycable, Radio at iba pang media na pag-aari ng ABS-CBN.

Kabilang dito si Senador Kiko Pangilinan kung saan ang kanyang asawa na si Sharon Cuneta ay stockholder at talent ng ABS-CBN sa mahabang panahon at kumikita sa royalty ng kanyang mga pelikula.

Si Senador Pia Cayetano naman ay may koneksyon ang law office na Cayetano-Sebastian na tumatanggap ng retainers fee sa ABS-CBN, at asawa niya ang isang Atty. Sebastian.  Kilala din ang ama niya na si dating Senator Rene Cayetano na mayroong long running television at radio show na Compañero sa ABS-CBN.

Si Senator Manny Paquiao ay tumatanggap din ng bayad at royalty sa mga boxing fights nito at TV show rin sa ABS-CBN habang nasa ilalim din ng Star Magic ang anak niyang si Jimuel.

Kasama rin si Senador Lito Lapid na isa ring stockholder at talent ng Ang Probinsyano na tumatanggap ng talent fee at royalty fee.

Si Senator Grace Poe na isang producer ng isang TV show sa ABS-CBN, habang ang nanay niyang si Susan Roces ay talent nito at ang mga pelikula ng kanyang ama na si FPJ ay ipinapalabas na mayroong royalty fee.

Si Senador Ramon ‘Bong’ Revilla Jr. na isang talent habang ang kanyang mga pelikula ay napapanood din sa ABS-CBN na tumatanggap din ng royalty fee.

Si Senador Sonny Angara kung saan ang kanyang asawa ay isa sa mga top executives ng ABS-CBN.

Si Senador Ralph Recto na ang kanyang asawa na si Representative Vilma Santos ay may TV shows sa ABS-CBN at anak nitong si Luis Lucky Manzano.

Si Senate President Vicente ‘Tito’ Sotto III na unang lumabas sa ABS-CBN ang TV show nito na Eat Bulaga, habang ang kapatid niyang si Vic Sotto ay tumatanggap ng royalty fee dahil ang mga pelikula nito ay ipinapalabas.

Bilang delicadeza ay marapat lang ani Gadon na mag-inhibit ang mga nabanggit na senador.

Sinabi pa ni Atty. Gadon na lahat ng lumagda sa resolution “expressing the sentiment of the Senate” ay nararapat rin na mag-inhibit sa debate at botohan sapagkat meron na sila agad  pagkiling o pre-judgement pabor sa ABS-CBN sa kabila ng pag-expire ng prangkisa nito at sa mga alegasyon ng mga violations nito na may sapat na katibayan na sa kasalukuyang nasa petition sa Supreme Court at nasa mga reklamo at resolution ng pag-iimbestiga sa House of Representatives.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.