Atty. Panelo sa pahayag ni Trillanes sa pagbabalik ng oposisyon sa 2022 “isang bangungot”

Muling nakatikim ng kantiyaw mula kay Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo si dating Senador Antonio Trillanes sa pagsasabing tila binabangungot ito kaugnay sa pahayag na pagbabalik ng oposisyon dalawang taon mula ngayon.

Sinabi kasi ni Trillanes na kapag nanalo ang oposisyon sa 2022 ay muling magkakaroon ng prangkisa ang nagsarang TV network na ABS-CBN.

Buti na lang ayon kay Panelo ay may pasubali si Trillanes  na “kung” sakaling  manalo ang oposisyon.

Binigyang-diin ni Panelo na hindi nakasalalay sa mga mananalong oposisyon ang pagkakaroon muli ng prangkisa ng ABS-CBN dahil ang Kongreso ang tanging may kapangyarihan na makapagbigay nito.

Ibinabatay  din aniya ng mga mambabatas  ang paggagawad ng franchise kung  nasusunod ang mga probisyon at batas para magamit ng isang kumpanya.

Buwan ng Mayo nang ipahinto ng National Telecommunications Commission (NTC) ang pag-ere ng dambuhalang kumpanya kasunod ng expiration ng prangkisa nito at hindi na pag-renew ng Kongreso.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.