Australia, magdodonate ng ₱70-M halaga ng medical equipment sa AFP

Pagkakalooban ng Australian government ang Armed Forces of the Philippines (AFP) ng ₱70-milyong pisong halaga ng medical at personal protective equipment bilang suporta sa pakikipaglaban sa COVID-19.

Ito ang inihayag ni Australian Defense Minister Linda Reynolds matapos ang pakikipagpulong sa kanyang Philippine counterpart na si Defense Secretary Delfin Lorenzana.

Nasa bansa si Reynolds bilang bahagi ng kaniyang East Asia tour kasama ang Japan, Singapore, at Brunei.

Sa nasabing pulong, tinalakay ng dalawang defense officials ang commitment ng bawat isa para mapanatili ang regional security and stability, partikular sa West Philippine Sea at ang ginagawang COVID- 19 efforts.

Ang ₱70-milyong donasyon ng Australia sa AFP para panlaban sa COVID ay bukod pa sa ₱35-milyong halaga ng mga donasyon na una nang ibinigay ng Australia sa pamamagitan ng Enhanced Defense Cooperation Program, para naman sa expansion ng infectious disease ward ng Victoriano Luna Medical Center sa Quezon City.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.