Awayan sa Kongreso, maglalatay sa administrasyon — PRRD

Sa administrasyon babagsak ang nangyayaring gulo sa kasalukuyan ng mga kongresista na patuloy na nagbabayangan bunsod ng usapin tungkol sa kapangyarihan.

Ayon kay Pangulong Rodrigo Duterte, hindi naman mga pangalang “Alan o Lord” ang babanggitin ng mga tao kapag napag-usapan ang away sa Kamara.

Ang maaalala aniya ng tao sa gulong nangyayari sa Kongreso ay naganap ito sa kanyang administrasyon sa halip na ibato ang baho sa mga mambabatas na nag-aagawan ngayon sa kapangyarihan.

Binigyang-diin ng Pangulong Duterte na ang gusto niya sana’y maging maganda ang kanyang administrasyon at huwag makaladkad o madamay sa bangayan ng mga nagbabanggaang congressmen.

Kapag nangyari aniya ito sabi ng Pangulo ay dyan sila magkakaroon ng problema.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.