Ayon kay DILG Sec. Año 1,171 telco permit naaprubahan na!

Sinabi ni Interior Secretary Eduardo Año na 1, 171 telco permits na ang naaprubahan sa isang briefing kagabi kasama ang Pangulong Duterte.

Ayon sa kalihim, mayroon pang 428 pang aplikante at sinigurong walang pending na request dahil sumusunod agad ang lokal na pamahalaan ng Maynila sa mga kinakailangan.

Umaasa rin ito na sumunod din ang ibang LGU.

“Sa Bayanihan 2, pinakinggan din po ang inyong utos. May isang provision sa Bayanihan 2 na ang automatic rollout ng telcos sa pagtatayo ng Pasig Telecom Tower Infrastructure. Winaive na po lahat ng mga requirements dito except building permit and height clearance permit,” dagdag nito.

“Automatic po pag mag-comply ‘yong permit, approve na po and this will go on up to the next three years so I don’t think may reason pa po ang ating mga telcos na sabihing nahihirapan sila,” aniya.

Matatandaang ipinag-utos ng Malakanyang na pabilisin ang pag-apruba sa mga telco permit sa loob lamang ng tatlong araw sa dating tatlong buwan.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.