Ayon sa Palasyo, walang dapat ipag-alala ang publiko sa kalagayan ng Pangulo

Tiniyak ng Palasyo na nasa maayos na kondisyon si Pangulong Rodrigo Duterte matapos ang insidente ng pagsemplang sa motorsiklo kagabi (Miyerkules).

Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, hindi na kailangan pang magpa-check up ang Pangulo, dahil konting gasgas lamang sa siko at tuhod ang tinamo nito.

Wala aniyang dapat ipag-alala ang publiko.

Kaugnay naman sa magkakaibang bersyon sa kung papaano naganap ang insidente, ayon sa kalihim, hindi na raw ito mahalaga.

Kung matatandaan kasi, sinabi ni Presidential Security Guard (PSG) Commander General Joel Eriel Niembra, na sumabit lamang sa bato ang isang gulong ng motorsiklo ng Pangulo, habang palabas ng garahe.

Ayon naman kay Senator Christopher Go, sumemplang ang Pangulo pagkaliko nito pabalik na ng Malago. Naitukod raw ng Pangulo ang kanyang siko, kaya medyo sumakit ang baywang nito.

Ayon naman kay Panelo, naka-park ang motor ng Pangulo, inaabot raw nito ang kanyang sapatos, dahilan ng pagkahulog ng Pangulo sa motor, kaya’t nagkagasgas ito.

Sinabi ni Panelo, hindi na mahalaga kung ano ang eksaktong nangyari. Ang importante aniya ay nasa maayos na kondisyon si Pangulong Duterte.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.