B-day wish ni Pangulong Duterte: Mga Pinoy makabangon sa pandemya

Hiling umano ni Pangulong Rodrigo Duterte para sa ika-76 na kaarawan nito sa Marso 28 na makabangon ang mga Pinoy sa nararanasang pandemya.

“Despite COVID I’m sure ang kanyang birthday wish ay matupad pa rin yung mas komportableng buhay, ‘yung makabangon ang lahat mula dito sa pandemyang ito,” ani Presidential Spokesman Harry Roque.

Napakarami na aniya ang pinahirapan ng COVID-19 at isang taon ng nakikipaglaban ang sambayanan dito.

Hindi naman binanggit ng kalihim kung sa Davao City ipagdiriwang ng pangulo ang kanyang kaarawan.

Samantala, binalita rin ni Roque na nagnegatibo na ito sa COVID-19 at natapos na rin ang kanyang quarantine.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.