Babaeng driver, natagpuang patay, puno ng saksak sa loob ng kaniyang sasakyan sa Laguna

Palaisipan pa rin sa awtoridad at mga mahal sa buhay ng isang babaeng driver sa Laguna kung bakit siya tinadtad ng saksak sa loob mismo ng kanyang kotse.

Nabatid na ang edad 34 na biktimang si Jang Lucero ay suma-sideline bilang driver matapos niyang mawalan ng trabaho dahil sa COVID-19 lockdown ng gobyerno.

Linggo ng gabi nadiskubre ang labi ni Jang na puno ng saksak at sa loob ng kanyang kotse sa Bypass Road sa Calamba.

Ayon sa kanyang ina, sa isang ulat, birthday gift ni Jang sa sarili ang nasabing kotse noon lang Pebrero.

Sabi naman ng girlfriend ng biktima na si Meyah Amatorio, nagpaalam si Jang noong Linggo ng gabi na may ihahatid na 3 pasahero mula Laguna hanggang Gil Puyat sa NCR.

Pulis na ang sumagot sa tawag ni Meyah makalipas ang ilang oras.

Wala naman umanong mahahalagang gamit na nawala kay Jang tulad ng 2 cellphone.

Samantala, nagpapatuloy ang imbestigasyon ng awtoridad sa krimen.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.