Babaeng kadete, nanguna sa PMA Masidlawin Class of 2020

Isang babaeng kadete mula sa Echague, Isabela ang topnotcher ng Philippine Military Academy (PMA) Masidlawin Class of 2020.

Bilang number one sa 196 na kadete, si Cadet First Class Gemalyn Sugui, ang tatanggap ng Presidential Saber, ang pinakamataas na Achievement Award for Academic Excellence.

Nagtapos naman sa ikalawang pwesto si Cadet First Class Jade Villanueva mula Tacloban City na tatanggap ng Vice Presidental Saber;
at pangatlo si Cadet First Class Jefferson Salazar ng Zamboanga City na tatanggap ng Secretary of National Defense Saber.

Kabilang din sa top ten sina: Cadet First Class Rotes Gaile Jamandre ng Lamut, Ifugao; Cadet First Class Jeb Bay-an ng La Trinidad, Benguet; Cadet First Class Catabay Ladyong ng Tabuk, Kalinga; Cadet First Class Vanelyn Angel Tabao ng Tuguegarao City; Cadet First Class June Giel Anne Factor ng Piddig, Ilocos Norte; Cadet First Class Rubenson Abgao ng Maliwanag Baroy, Lanao del Norte; at Cadet First Class Dencel Aina Bayaca ng Floridablanca,
Pampanga.

Ang Brigade Commander ng the Cadet Corps of the Armed Forces of the Philippines, si Cadet First Class Marion Dale Cordova ng Nagcarlan, Laguna ay tatanggap naman ng Chief of Staff Saber at Achievement Award for Leadership.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.